Monday, February 25, 2013


Ang Alamat ng Barangay Tumaga
ni Patrick Modillas 

Noong unang panahon sa isang malawak na bayan na kung tawagin ay “Chois” ay nakatayo na ang bandera ng mafia na Celestyal. Sila ay pinamumunuan ng kanilang boss na si Tom Eruma Yawada na pinagliligiran ng kanyang mga magigigting na taga-bantay.  Sila ay nakikipag-laban sa iba pang mga mafia na nang-aabuso ng mga mahihinang tao at gustong gumawa ng masasama. Ngunit may isang kabaliktaran sa kanila, ang pagiging lulong sa alak. Sa umaga palang ay hagik-gikan na sila sa pag-inom ng isang puinong balde ng alak hanggang gabi. Sila rin ay tinuturuan na maging mas malakas ng kanilang mga guro na tinatawag ng “Arhobalena”. Sila ay nasa anyong paslit ngunit kung sila ay nasa kanilang tunay na anyo sila ay matanda na.

Ang mga nagpapalakas sa Celestyal ay ang kanilang mga armas, ito ay nasa uri ng pana na malabaril sa itsura, gwantes na bumubuhos ng apoy, tonfa at botas na nag-papabilis.


Isang umaga, nang nag-papakasaya sa alak sina Eruma ay biglang dumating ang kinakatatakutan na grupo ng “Mileast”, isang mafia na pinamumunuan ni Binsin. Inatake nila ang Celestyal. Dumanak ang dugo sa buong paligid, nang hindi handa sa paglaban sina Tom. Nilabas ni Eruma ang kanyang galling sa pag-martial arts, at ng tapusin niya ang laban sa paggamit ng XI-Colder, isang napakalakas na pwersa ng apoy na kapag natamaan ka ay mababalot ang katawan mo sa yelo hanggang sa ikaw ay mamamatay. Natalo man niya at napatay ang buong Mileast, nag-laho na rin ang kanyang mga kasama nang mag-sakrispisyo sila para matalo ang mga kalaban. Di tumagal ay napahiga nalang si Tom at nag-laon na rin. At dahil sa katapangan nila ay ipinangalan sa kanila ang barangay na kung saan sila tinawag na “Tumaga”, Tuma na ibig sabihin ay pag-inom ng alak at “Umaga”, dahil sa kanilang bisyo na pag-inum ng alak sa umaga palang. Kaya ang barangay na ito ay ipinapa-alala dahil sa kanilang kabayanihan.

No comments:

Post a Comment